may liwanag din

may liwanag din

Linggo, Abril 8, 2012

Isang babae nakatayo sa gilid ng kalsada walang mukha at ang damit at buhok ay tinatangay ng malakas na hangin....Nakalut ang sa hangin....Kriiiiing!!!...Napabalikwas ako ng bangon,nag alarm na ang aking cellphone malalate na ko sa aking pinapasukang bakery malapit sa amin. Pinasok ako ng aking nanay sa isang bakery dito sa amin, kaklase nya daw kasi dati ang may ari ng bakery kaya madali akong napasok bilang taga balot ng ibat ibang klaseng tinapay.Ang start ng pasok ko ay 6 ng hapun hanggang ala una ng umaga,depende minsan sa bilis ng aming pagbabalot.Maayus naman ang trabaho ko,tama ang sweldo subalit ang ayuko lang ay ang paguwi ng hating gabi dahil sa bukod sa maraming aso sa amin,nakakatakot din ang kalsadang aking dadaanan.

Pwede ko namang hindi daanan ang kalsadang iyun ngunit ito ang daang shortcut pauwi sa amin at ang isang daan naman ay bukod sa mapapalayo ako, ito din ay tambayan ng maraming aso. No choice kaya sa kalsadang malapit na ko...


Ang kalsadang ito ay napapaligiran ng matataas na talahib,malalaking puno at malawak na parang.Nung una nakakahiya mang sabihin hinahatid pa ako ng aking mga kasama sa trabaho hanggang makalagpas sa kalsadang iyon.Subalit dumating ang sandali na nahiya na ko kaya ako ng magisa ang umuuwi.Maganda sana ang trabaho ko dun at madami na din akong naging kaibigan,ayuko na sanang umalis pero may isang pangyayari na muntikan ng makapag pabago sa aking isip.....


Pauwi na ko nun galing trabaho.Maagang nayari ang mga balutin, mga bandang ala una ng umaga nun..Naglalakad ako sa kalsadang aking kinatatakutan..Ng bigla kong maramdaman na parang may sumusunod sa akin.Kinabahan ako,nanginginig ang aking mga tuhod..Nilakasan ko ang aking loob tumingin ako sa aking likod...Wala akong nakita...Biglang lakas ng hangin....at ng mapadako ang aking paningin sa isang parti ng kalsada, biglang tumayo ang aking balahibo....Isang babae nakatayo sa gilid ng kalsada walang mukha at ang damit at buhok ay tinatatangay ng malakas na hangin...Nakalutang sya sa hangin,. Inalis ko ang aking tingin sakanya...di ako makakilos umiral ang aking nerbyos,.Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig...Sa muli kong pag lingon nakita ko syang palapit sa akin..Lako akong natakot di ko alam ang aking gagawin,pinilit kong igalaw ang aking katawan sa awa ng Diyos nagalaw ko ang aking isang daliri kasabay ng aking katawan...


Tumakbo ako ng napakabilis,hanggang sa amin...Paghinto ko sa harap ng bahay namin napatingin ako sa langit kitang kita ko dahil sa medyo maliwanag ang buwan, ang anyo ng isa tila demonyo o isang dragon sa ulap na nagpadagdag ng kaba sa akin at pagtingin ko sa pintuan namin isang pusang itim ang namamahinga sa amin,tumingin ito sa akin at sa aking likuran....Kinabahan ako...Nanginig ang aking laman pagkat ang babaeng nakalutang ay nasa aking likuran...Sumigaw ako...Nanay!!Nanay..!!Nagising lahat ng tao sa amin pati mga kapitbahay akalay may nangyari sa aming nanay...Nawala ang babae.......Kinuwento ko ang nangyari ang ibay naniwala ang ibay natatawa...Nilagnat ako kinabukasan...Dahil sa nangyari kada uuwi ako sa daang maraming aso na ko dumadaan iniiwasan ko na ang kalsadang iyun doon SA AMIN.....

2 komento: