may liwanag din

may liwanag din

Linggo, Abril 8, 2012

Isang babae nakatayo sa gilid ng kalsada walang mukha at ang damit at buhok ay tinatangay ng malakas na hangin....Nakalut ang sa hangin....Kriiiiing!!!...Napabalikwas ako ng bangon,nag alarm na ang aking cellphone malalate na ko sa aking pinapasukang bakery malapit sa amin. Pinasok ako ng aking nanay sa isang bakery dito sa amin, kaklase nya daw kasi dati ang may ari ng bakery kaya madali akong napasok bilang taga balot ng ibat ibang klaseng tinapay.Ang start ng pasok ko ay 6 ng hapun hanggang ala una ng umaga,depende minsan sa bilis ng aming pagbabalot.Maayus naman ang trabaho ko,tama ang sweldo subalit ang ayuko lang ay ang paguwi ng hating gabi dahil sa bukod sa maraming aso sa amin,nakakatakot din ang kalsadang aking dadaanan.

Pwede ko namang hindi daanan ang kalsadang iyun ngunit ito ang daang shortcut pauwi sa amin at ang isang daan naman ay bukod sa mapapalayo ako, ito din ay tambayan ng maraming aso. No choice kaya sa kalsadang malapit na ko...


Ang kalsadang ito ay napapaligiran ng matataas na talahib,malalaking puno at malawak na parang.Nung una nakakahiya mang sabihin hinahatid pa ako ng aking mga kasama sa trabaho hanggang makalagpas sa kalsadang iyon.Subalit dumating ang sandali na nahiya na ko kaya ako ng magisa ang umuuwi.Maganda sana ang trabaho ko dun at madami na din akong naging kaibigan,ayuko na sanang umalis pero may isang pangyayari na muntikan ng makapag pabago sa aking isip.....


Pauwi na ko nun galing trabaho.Maagang nayari ang mga balutin, mga bandang ala una ng umaga nun..Naglalakad ako sa kalsadang aking kinatatakutan..Ng bigla kong maramdaman na parang may sumusunod sa akin.Kinabahan ako,nanginginig ang aking mga tuhod..Nilakasan ko ang aking loob tumingin ako sa aking likod...Wala akong nakita...Biglang lakas ng hangin....at ng mapadako ang aking paningin sa isang parti ng kalsada, biglang tumayo ang aking balahibo....Isang babae nakatayo sa gilid ng kalsada walang mukha at ang damit at buhok ay tinatatangay ng malakas na hangin...Nakalutang sya sa hangin,. Inalis ko ang aking tingin sakanya...di ako makakilos umiral ang aking nerbyos,.Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig...Sa muli kong pag lingon nakita ko syang palapit sa akin..Lako akong natakot di ko alam ang aking gagawin,pinilit kong igalaw ang aking katawan sa awa ng Diyos nagalaw ko ang aking isang daliri kasabay ng aking katawan...


Tumakbo ako ng napakabilis,hanggang sa amin...Paghinto ko sa harap ng bahay namin napatingin ako sa langit kitang kita ko dahil sa medyo maliwanag ang buwan, ang anyo ng isa tila demonyo o isang dragon sa ulap na nagpadagdag ng kaba sa akin at pagtingin ko sa pintuan namin isang pusang itim ang namamahinga sa amin,tumingin ito sa akin at sa aking likuran....Kinabahan ako...Nanginig ang aking laman pagkat ang babaeng nakalutang ay nasa aking likuran...Sumigaw ako...Nanay!!Nanay..!!Nagising lahat ng tao sa amin pati mga kapitbahay akalay may nangyari sa aming nanay...Nawala ang babae.......Kinuwento ko ang nangyari ang ibay naniwala ang ibay natatawa...Nilagnat ako kinabukasan...Dahil sa nangyari kada uuwi ako sa daang maraming aso na ko dumadaan iniiwasan ko na ang kalsadang iyun doon SA AMIN.....

2012 totoo ba o hindi?

December 2012, sinasabing katapusan ng mundo.....naniniwala ba kayo....?
Ang iba'y oo ang iba'y hindi...ang iba'y natatakot, ang iba'y natatawa..Ano sa palagay nyo?

Mula sa 2012

- "Ayon sa isang tanyag na Propeta na si Michel Nostradamus, Na kilala bilang ‘The boy who saw tomorrow” dahil sa prediction nyang walang mintis. Sa taong 2012 o sa Disyembre 21 2012 ang araw ng pagtatapos. Sinasabing na predict ni nostradamus na sa taong 2012 magugunaw ang mundo dahil sa pag babalik ng planet Nibiru. Ang nibiru ay magiging kabahagi ng earth sa loob ng pitong araw.na magiging sanhi ng distruction. Ang lahat ng natural disaster ay mag sasabay sabay na mangyayari, nandyan ang lindol ,tsunamis, malaking pag baha, at iba pang kalaminad. Ang malalaking comet o asteroid ay babagsak sa Aegean sea at malaking tsunamis ay tatama sa mount Olympus(2917 meters high) Sinuportahan din ito ng MAYAN at NASA. Ang mga prediction ni nostradamus ay hindi isang malaking biro. Lahat ng kanyang prediction ay may basehan at kanyang pinag aralan. Ilan sa mga nakatotoong prediction nya ay ang World war III na alam naman ng lahat na naganap at nang yari.Na predict nya na mag kakaroon n malaking digmaan,pagkamatay at nuiclear confrontation. Maging ang pag sakop ni Hitler sa mundo.sinasabi ni nostradamus na sa bawat 100 taon ay ipapanganak ang isang antiChrist na mamumuno sa mundo, sinabi rin niya sa huling libro niya na ang susunod na “antichrist”ay tinawag nyang “MABUS” o ininterpret ng mga siyentipikong obama tt bush… Ang pag predict nya sa presidente ng America na si barrack obama, na isang black American ang magiging huling president ng America. Isa pa sa prediksyon nya ay ang huling santo papa ng mundo na pumalit sa santo papa na isinilang sa panahon ng eclipse at namatay sa panahon din ng eclipse. Matatandaan nting si pope John paul ay ipinanganak sa Poland kung saan naganap ang eclipse at siya ay namatay kumakailan lang nitong april 2 2005 at nag manipesto din ang eclipse at ang pumalit sa kanyang si pope Benidict XVI na tinukoy na huling sato papa ni nostradamus. Ang pag gunaw ng mundo sa 2012 ay magaganap at walang sinuman ang makakapigil nito, walang sinuman ang makakaligtas. Maniwala ka na. Dahil katapusan na, kun hindi ka pa natatakot.panahon na para matakot ka.. 2 years left para paghandaan.'


Sibilisasyon ng Mayan ang pinagmulan ng paniniwala sa prediksiyon na magugunaw ang mundo sa taong 2012.Sinasabi dito ang pagkagunaw ng mundo,ay unti- unting mangyayari sa pagdating ng mga kalamidad na magsisilbing hudyat sa mga tao sa mundo. Sa paniniwala kasi nilang ito,kaya ang kanilang kalendaryo ay hanggang sa taong 2012 lamang.Dito sa binuong sibilisasyon na ito dito naninirahan ang mga’’Maya’sa katauhan ng mga maya ay may abilidad silang makaintindi ng matematika.Kung saan ginamit nila ito na basehan para kanilang paniniwala at kung kailan saktong mangyayari ito.Nilalahad dito ang kanilang kaalaman kahit noon pa lamang…. Sa mga paniniwala maraming mga siyentista na nag-aral hinggil dito.Sa mga senaryong ito ang pagpapakita ng mga siyentipikong pamamaraan na ginagamitan ng mga makabagong teknolohiya na basehan din nila.May relihiyosong ding mga grupo kung saan sa paniniwalang ito ay wala ding sapat na na paglalahad sa pag predigta dito. Lingid dito ang paniniwala ng karamihan ay hindi naniniwala sa ganitong simpleng paglalahad lamang.Kahit ako ay mahirap paniwalaan ang ganitong mga bagay na tungkol sa buhay nating mga tao.Inilalahad lang dito ang posibilidad na pwedeng mangyari rin ito hindi man sa araw na iyon o sa mga darating pa na panahon na iuukol pa na natin sa ating buhay. Ang mga pag prediksyon ng mga iba’t ibang tao,ay hindi natin basta-basta baliwalain o wag nalang isawalang bahala na lamang.Pinapakita din dito ang kahalagahan ng buhay ng mga tao na dapat nating pahalagahan…"

Maaring maganap lahat ng ito subalit hindi natin o walang nakakaalam kung kelan o saan unang magaganap....gianaagawa lang nating makasalanan ang ating mga sarili dahil dito Diyos lamang ang tanging nakakaalam kung kailan ito magaganap,....madidinig na lang nating ang mga bata'y nagiiyakan, mga taomg pilit nagtatago at tinatakasan ang dilobyong maaaring dumating subalit wala ni isa satin ang makakatakas dahil, marahil hindi tayo handa isa isa nating makikita ang ating mga kapamilya na unti unting namamatay, mga taong humihingi ng tulong subalit tulad nila tayo'y kasabay din nilang mawawala.......sana'y maging handa tayo....hindi sa darating na 2012 kunng hindi araw araw.....dahil ito'y darating ng walang nakakaalam kung kailan.......